Habang May Buhay May Pag-asa
Ni Roseanne V. Guinto
Simula pagkabata hirap na hirap na ako
Nangungulila sa pagmamahal ng isang ama na tulad mo
Minsan iniisip ko, kung paano ba mabuhay
Na walang kumakalinga sa isang tulad ko
Na tulad ng isang dahon, sumasabay sa ihip ng hangin at agos ng buhay.
Kahit mayroon akong ina, nakikita ko malungkot
na rin siya
Pero pinipilit ngumiti kahit alam mong mahirap na
Hiwa-hiwalay na kami ngunit pinipilit mabuong muli
Hindi ko alam kung anong gagawin, kung pati sila
ay mawawala sa akin.
Kahit anong pagsubok ang dumating,
Kahit anong unos ay papasanin
Kahit anong hirap kakayanin
Kung magtutulong-tulong ang pamilya namin.
Dahil sa isang tao, nabigyan ng kulay
Ang buhay ko
At naisip ko paano ko
Tutulungan ang aking pamilya kung isa ako
sa mga nagdurusa.
Sinubukan kayanin ang lahat
Dahil naniniwala kami
Na habang may buhay may pag-asa.
|